LABING-ISA ang namatay sa Caloocan City sa COVID-19 habang tatlo naman ang binawian ng buhay dahil sa pandemya sa Valenzuela City noong Mayo 27.
Ayon sa Caloocan City Health Department and City Epidemiology and Surveillance Unit, hanggang alas-5:00 ng hapon ng nasabing petsa ay 982 ang active cases sa lungsod.
Umabot na sa 31,321 ang tinamaan ng COVID sa Caloocan, at sa bilang na ito ay 29,418 na ang gumaling at 921 ang namatay.
Nabatid naman sa Valenzuela City Health Office-City Epidemiology and Surveillance Unit na 511 ang active COVID cases sa lungsod matapos na 91 ang gumaling at 69 ang nagpositibo sa virus.
Sumampa na sa 19,524 ang kumpirmadong dinapuan ng coronavirus sa lungsod, kung saan 18,521 na ang nakarekober at 492 ang binawian ng buhay. (ALAIN AJERO)
356
