NAWALAN ng tirahan ang tinatayang 500 pamilya makaraang matupok sa sunog ang 30 kabahayan dahil sa napabayaang may sinding kandila sa
Sampaloc, Manila nitong Huwebes ng madaling araw.
Umabot sa ika-4 na alarma ang sunog sa Sulucan St., Barangay 458 sa Sampaloc, Manila, ayon sa ulat ng Manila Fire Department ng Bureau of Fire Protection.
Ayon sa isang barangay kagawad, isang bata ang nakitang dala-dala ang isang nakasinding kandila bago sumiklab ang sunog.
Isang residente ang nasugatan sa insidente habang walang naisalbang mga gamit ang karamihan sa kanila.
Nabatid sa ulat ng BFP, bandang alas-5:00 pasado ng madaling araw nang sumiklab ang sunog at mabilis na kumalat ang apoy dahil halos pawang yari sa light materials ang mga kabayahan.
Dakong alas-5:55 ng madaling araw nang ideklarang under control ang sunog. (RENE CRISOSTOMO)
