30% DISCOUNT SA MGA SENIOR CITIZENS SINUSULONG

seniors44

(NI BERNARD TAGUINOD)

DAHIL hindi mapigilan pagtaas ng presyo ng mga bilihin, kasama na ang mga gamot at pagkain, isinusulong sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na itaas ang discount na ibinibigay sa mga senior citizens sa bansa.

Sa ilalim ng House Bill 2853 na inakda nina  ALONA party-list Rep. Anna Marie Villaraza-Suarez at Quezon Rep. David Suarez, nais ng mga ito nag awing 30% ang discount ng mga matatanda mula sa kasalukuyang 20%.

Base sa Senior Citizens Act, ang mga Filipino na edad 60 anyos pataas ay mayroong 30% discount kapag bumibili ang mga ito ng gamot, pagkain, iba pa nilang pangangailangan kasama na ang transportasyon at iba pa.

“But in this day, the inflation rate increase the price of all commodities…transport, food, clothing, housing, electricity, education, logistics, and health medication- and has a big impact in the life of Filipino people especially those who are poor, including indigent senior citizens,” ayon sa nasabing panukala.

Malinawag ang katotohanan na karamihan sa mga matatanda ay mahihirap dahil nawalan na ang mga ito ng hanapbuhay at kung mayroon man may kaya sa buhay ay mangilan-ngilan lang.

Maliban dito, hindi lahat ng mahigit 8 million senior citizens  sa buong bansa ay mat health care insurance at halos lahat sa mga ito ay nakadepende lamang sa government medical subsidies.

“Thus, the need to further expand the existing benefits given to senior citizens under existing laws to enable them to cope up with the need of the times,” ayon pa sa dalawang mambabatas.

Pagkilala rin anila ito sa mga matatanda dahil bagama’t mahina na ang kanilang katawan at patuloy pa rin nilang nagagampanan ang kanilang tungkulin sa lipunan.

“They continue to contribute to the economy informally, such as caring their grandchildren to enable the parents to to go work,” ayon pa sa nasabing panukala.

 

178

Related posts

Leave a Comment