3K TONELADA NG SULFUR DIOXIDE IBINUGA NG MT. KANLAON

INIHAYAG ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) nitong Martes, ang Bulkang Kanlaon sa Negros island ay nagbuga ng 2,953 tonelada ng sulfur dioxide sa nakalipas na 24 oras.

Ito ay nagpapahiwatig ng mataas na antas ng kaguluhan sa loob ng bulkan, ayon sa ahensya. Nananatiling nakataas sa Alert Level 3 ang Bulkang Kanlaon.

Kaugnay nito, nakapagtala ang Kanlaon ng limang volcanic earthquakes, habang ang edipisyo nito ay napakalaki pa rin.

Ayon pa sa Phivolcs, nagkaroon din ng katamtamang 300 metrong taas ng usok na dinala ng hangin sa hilaga-hilagang-kanluran, hilaga, at hilaga-hilagang-silangan.

Kasabay nito, binalaan ng Phivolcs ang publiko sa mga potensyal na panganib sa bulkan.

Pinaalalahanan din ng ahensya na lumikas ang mga residente sa loob ng anim na kilometrong radius ng summit ng Kanlaon.

Idinagdag ng Phivolcs, mahigpit na ipinagbabawal pa rin ang pagpapalipad ng anomang sasakyang panghimpapawid malapit sa bulkan.

(PAOLO SANTOS)

16

Related posts

Leave a Comment