Ni ANN ENCARNACION
KAPWA target nina Thirdy Ravena at San-En NeoPhoenix at Kobe Paras at Niigata Albirex BB ang ikatlong panalo ng kanilang teams ngayong Sabado sa 2021-22 B.League.
Maghaharap ang Neo-Phoenix, may 2-2 win-loss record, at Hiroshima Dragonflies (3-1), 12:05 ng tanghali.
Habang makakasagupa ng Albirex BB (2-2) ang Levanga Hokkaido (0-4), ganap na 1:05pm.
Matatandaang nagkaroon ng back-to-back games ang teams ng magkaibigang Ravena at Paras noong nakaraang linggo kung kailan nagtabla sila sa 1-1 panalo-talo.
