4 CARNAPPERS HULI SA CAVITE

CAVITE – Arestado ang apat na kalalakihan sa aktong nakasakay sa isang nakaw na motorsiklo sa bayan ng Tanza sa lalawigang ito, noong Linggo ng hapon.

Kasong paglabag sa RA 10883 (An Act Providing for a New Anti-Carnapping Law of the Philippines) ang kinahaharap ng mga suspek na sina Marco Lean Pareja De Castro, 19; Aldrin Opeña Aarca, 24; Jayson Bartolomeo Cleope, 32, at John Lord Bigalbal Lumbre, 25, habang pinaghahanap ang nakatakas na si Mark Lerry De Castro, 20-anyos.

Ang pagkakaaresto sa mga suspek ay bunsod sa reklamo ni Johndel Orada y Herola, 28, ng Brgy. Cabuco, Trece Martires City.

Ayon sa ulat, dakong alas-5:20 ng hapon nang maglatag ng operasyon ang Tanza Police hinggil sa serye ng reklamo sa tinatangay na mga motorsiklo sa nasabing bayan at karatig lungsod at bayan na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek habang sakay ng isang red and white na motorsiklong Honda 110 Wave sa kahabaan ng Tanza-Trece Martires Road, sakop ng Brgy. Bagtas, Tanza, Cavite dakong alas-5:20 ng hapon

Personal namang kinilala ni Orada na pagmamay-ari niya ang nasabing motorsiklo na tinangay dakong alas-2:40 ng gabi noong Enero 9 sa Brgy. Cabuco, Trece Martires City. (SIGRED ADSUARA)

259

Related posts

Leave a Comment