4 CORPORATIONS, PROPRIETOR SWAK SA TAX EVASION

SINAMPAHAN ng Bureau of Internal Revenue (BIR) Revenue Region No. 7B – East NCR kahapon ng magkakahiwalay na criminal complaints sa Department of Justice (DOJ) ang apat na korporasyon at isang proprietor dahil sa hindi pagbabayad ng buwis sa halagang P293.47 million.

Kabilang sa mga sinampahan ng kasong paglabag sa Sections 254 at 255 ng National Internal Revenue Code of 1997 ay ang Assurance Controls Technologies Co., Inc. at kanilang presidente na si Reynaldo Paradero at treasurer na si CFO Edward Ray B. Paradero.

Sinampahan naman ng kasong paglabag sa Section 255 na may kaugnayan sa Sections 253(d) at 256 ng Tax Code ang Flux Power Corporation at ang kanilang presidente na si Antonio U. Talattad; Power Master, Inc. at kanilang presidente na si Homer Alumisin; Enviroaire Inc. at kanilang presidenteng si Tyrone N. Ong at corporate finance officer si Arlene Chua.

Kinasuhan din sa paglabag sa Section 255 ng parehong Code ang sole proprietor na si Fernando Gaza Cruz.

Ang Assurance Controls Technologies Co., Inc. ay isang domestic corporation na inorganisa at rehistrado sa Securities and Exchange Commission (SEC) at sa Revenue District Office (RDO) No. 42-San Juan City.

Ito ay may kaugnayan sa negosyong importation and exportation ng pharmaceutical and medical supplies and devices, diagnostic equipment at iba pang hospital supplies at services.

Kasama ang kanilang responsible officers na idinemanda para sa kabuuang bayarin sa buwis na may halagang P6,235,633.63, kasama ang tubo para sa iba’t ibang paglabag.

Partikular sa kanilang kaso ang 17 counts ng tangkang pagtakas sa pagbabayad ng Withholding Tax on Compensation na nasasakop ng taxable periods noong 2014, 2015 at 2017.

Ang Flux Power Corporation ay isang domestic corporation na rehistrado sa SEC. Ito ay isang negosyo na nauugnay sa general construction at iba pang allied businesses kasama na ang  construction of electrical power transmissions and distribution system, sale and marketing of electrical equipment and devices.

Kasama ang kanilang responsible officer sa idinemanda sa kabuuang pagkakautang sa buwis para sa taxable year 2012 na may halagang P107,919,982.28, kasama ang tubo.

Ang Power Master ay isang domestic corporation rehistrado sa SEC. Ito ay nauugnay sa business of building maintenance and janitorial services. Sila ay may business address sa Unit 1506 One Magnificent Mile, San Miguel Avenue, Ortigas Center, Pasig City.

Kasama ang responsible officer sa idinemanda para kabuuang pagkakautang sa buwis para taxable year 2010 na may halagang P149,970,117.31, kasama ang tubo.

Ang Enviroaire Inc. ay isang domestic corporation rehistrado sa SEC at sa RDO No. 41 -Mandaluyong City. Ito ay nauugnay sa business of computer and data communication products and services.

Kasama ang responsible officers sa idinemanda para sa kabuuang pagkakautang sa buwis para sa taxable year 2010 na may halagang P25,247,237.95, kasama ang tubo.

Ang pinakahuli ay si Fernando Gaza Cruz, isang sole proprietor ng FGCR Enterprises rehistrado sa RDO No. 41 — Mandaluyong City.

Ang  kanyang address ay sa 52 Bldg. 3 Sambahayan Condo, Mandaluyong City. Siya idinemanda para sa kabuuang pagkakautang sa buwis para sa taxable year 2008 na may halagang P4,104,113.04, kasama ang tubo. (JOEL O. AMONGO)

382

Related posts

Leave a Comment