MULING nalagasan ng armadong galamay ang Communist Party of the Philippines nang mapatay ng mga tauhan ng AFP Visayas Command (VISCOM) ang apat na rebeldeng New People’s Army sa engkwentro sa Negros Island.
Ayon kay Lieutenant General Robert C. Dauz, commander ng VISCOM, malaking pagkapilay ang dinanas ng nalalabing NPA sa Negros Island bunsod ng mga inilunsad na internal security operations sa Negros Island nitong nakalipas na linggo.
Nitong Huwebes, apat na CPP-NPA rebels ang napaslang ng mga tauhan ng 94th Infantry Battalion nang makasagupa nila ang 14 communist terrorist sa ilalim ng Central Negros Front 2 ng Komiteng Rehiyon – Negros, Cebu, Bohol, Siquijor (KR NCBS) sa Sitio Amilis, Barangay Bi-ao, Binalbagan, Negros Occidental.
Nakuha sa encounter site ang tatlong M16 rifles; isang M14 rifle; isang AK47 assault rifle; isang 40mm grenade launcher; isang cal. .45 pistol; mga bala at iba’t ibang war materials; personal belongings, at subversive documents. (JESSE KABEL)
207 