HINDI bababa sa 400 indibidwal ang nakiisa sa unang anibersaryo ng SM Active Hub sa isinagawang community run sa SM City Baliwag noong Abril 12, 2026. (ELOISA SILVERIO)
HIGIT 400 indibidwal ang lumahok sa community run bilang bahagi ng pagdiriwang ng unang anibersaryo ng SM Active Hub sa SM City Baliwag noong Abril 12.
Ang aktibidad ay bahagi ng kampanya ng SM Supermalls na isulong ang sports at fitness sa komunidad.
Nakiisa ang mga kalahok mula sa iba’t ibang bayan sa Bulacan, kabilang ang Baliwag, Pulilan, Calumpit, San Rafael, Malolos, at Bustos.
Kasabay nito, nagsagawa rin ng iba’t ibang sports activities ang SM City Marilao at SM Center Pulilan tulad ng football, table tennis, pickleball, at basketball clinics.
Nakatakda rin ang iba pang aktibidad gaya ng taekwondo, aikido, jiu-jitsu, karate, at volleyball camp sa mga susunod na linggo.
Layunin ng SM Active Hub na magbigay ng accessible na lugar para sa sports at fitness at mapalakas ang partisipasyon ng komunidad sa aktibong pamumuhay.
55 