48-ORAS LOCKDOWN SA SAMPALOC

ISASAILALIM ang Sampaloc sa 48-oras na lockdown ngayong Linggo, ayon mismo kay Manila Mayor Isko Moreno.

Ang lockdown ay ipatutupad upang mapigilan ang pagkalat pa ng COVID-19 sa lugar.

Ipaaalam naman ito sa mga residente, isang araw bago ito aktwal na ipatupad.

Ngayong Lunes ay nakipagpulong si Moreno kina AFP Joint Task Force NCR Commander Brig. General Alex Luna at Manila Police District Brig. General Rolly Miranda.

Kasama rin sa nasabing meeting si Station 4 Commander Lieutenant Colonel John Guiagui at si Barangay Bureau  director Romeo Bagay.

Ikinababahala ng alkalde ang pagdami ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa distrito.

Sa pinakahuling tala ay mayroon nang 98 positibong kaso ng COVID-19 sa lugar at 158 suspected cases ayon kay Mayor’s Chief of Staff Cesar Chavez. D. ANIN

223

Related posts

Leave a Comment