48% PINOY POBRE PA RIN — SURVEY

KUMPARA sa unang limang buwan ng kasalukuyang taon, mas maraming Pilipino ang naniniwalang sadlak pa rin sila sa kahirapan dulot ng kabi-kabilang pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo at mga pangunahing bilihin sa merkado.

Sa pinakahuling resulta ng survey na pinangasiwaan ng Social Weather Station (SWS) sa huling bahagi ng buwan ng Hunyo, tumaas ang bilang ng mga Pilipinong kumbinsidong pasok sila sa kategorya ng maralita. Mula sa 43% noong Abril, umakyat sa 48% ng 1,500 respondents ang nagsabing  nabibilang sila sa mahihirap na pamilya.

Mula sa 34% bumaba naman sa 31% ang kumbinsidong nasa bingit (borderline) na sila sa karukhaan. Mula sa dating 23%, nabawasan naman ng 2% ang antas ng mga mamamayang naniniwalang hindi sila mahirap.

Ayon pa sa SWS, nakalap ang mga datos ng survey gamit ang “face-to-face interviews” sa iba’t ibang panig ng bansa kabilang ang Metro Manila, Balance Luzon, Visayas at Mindanao.

Paglilinaw ng SWS, may sampling error margins na ±2.5% para sa national percentages, tig- ±5.7% naman para sa Metro Manila, Visayas, at Mindanao, at ±4.0% para sa Balance Luzon ang kanilang inilabas na datos. (LILY REYES)

122

Related posts

Leave a Comment