5 ARESTADO SA P272K SHABU

ARESTADO ang dalawang trike driver at tatlong iba pa sa ikinasang buy-bust operation ng Manila Police District (MPD) sa Sta. Cruz, Manila noong Biyernes ng gabi.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang mga suspek na sina Akiro Badjo, 22, tricycle driver; Lasarito Antolin, 47; Lilibeth Salgado; Alfredo Baysa, 27, at Rodrigo Rodolfo, alyas “Jack Versoza,” 23, tricycle driver.

Base sa ulat ni P/Lt. Col. John Guiagui, station commander MPD- Station 3, bandang alas-11:30 ng gabi nang ikasa ng mga awtoridad ang operasyon sa panulukan ng P. Herrera St. at Kusang Loob St. sakop ng Brgy. 353 sa Sta. Cruz na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek.

Nakumpiskahan ang mga suspek ng 40 gramo ng shabu na tinatayang P272,000 ang street value. (RENE CRISOSTOMO)

138

Related posts

Leave a Comment