Sa halip na unahin sa covid vaccine SOTTO: LASUNIN NA LANG ANG MGA POLITIKO

HINDI pabor si Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III sa iminumungkahi ng ilan na unahing sampolan ng bakuna kontra COVID 19 ang mga pulitiko upang kung palpak ay sila ang unang mabibiktima.

Sinabi ni Sotto na mali ang naturang paniniwala dahil ang bakuna bago pa man gamitin dito sa Pilipinas ay nagamit na sa ibang bansa at titiyakin muna na ligtas itong gamitin.

“Kaya hindi ako sang-ayon doon sa sina-suggest ng iba — alam ko naman pabiro ‘yong iba, pero ‘yong iba sina-suggest ay seryoso — dahil baka daw yong immunization o yong vaccine eh dapat daw unahin daw mua yong mga pulitiko, hindi magandang katotohanan ‘yon. Kahit totohanan o patutsada, sapagkat ba’t mo aaksayahin yong vaccine sa mga pulitiko eh libre?”saad ni Sotto.

Ang mga pulitiko anya ay dapat na unang-unang pinagbabayad at hindi dapat makasama sa priority list na bibigyan ng libreng vaccine.

“Hayaan mo silang magbayad, hayaan mo yong mga pulitikong mgabayad ng sarili nila. Yong mga kababayan muna nating mga health workers saka yong mga mahihirap, yon muna unahin. Libre kasi,” dagdag ng senador.

“Kung ganon ang gusto nila, eh ‘di ba’t di na lang natin lasunin ‘yong mga pulitiko para mas madali? Mas sigurado ‘yon, kaysa sa aasahan natin yong vaccine, kawawa naman yong mga kababayan natin na kailangan yong vaccine,” may halong pagbibirong saad ng Senate President. (DANG SAMSON-GARCIA)

122

Related posts

Leave a Comment