MULING nakapagtala ng limang bagong namatay sa COVID-19 ang Quezon City.
Ayon sa media bulletin na inilabas ng Quezon City Local Government hanggang Hulyo 31, may nai- report na limang bagong kaso ng pagkamatay sa coronavirus sa lungsod.
Bunsod nito, ang kabuuang bilang ng mga namatay sa nasabing sakit ay umabot na sa 302.
Ayon sa report ng DOH hanggang Hulyo 31, ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Quezon City ay umabot na sa 6,646.
Ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso na may mga address sa siyudad ay nasa 6,552 simula noong Hulyo 30.
Nasa 6,522 naman ang kabuuang bilang ng validated cases ng QC Epidemiology and Surveillance Unit at District Health Offices.
May karagdagang 191 cases mula sa dating 6,331 na naiulat noong Hulyo 30 kung kaya’t naging 6,522 ang bilang sa kabuuan.
Naitala naman ang active COVID-19 cases sa QC sa bilang na 2,586.
Ang mga ospital na pag-aari ng Lungsod Quezon ay halos punuan na ang mga higaan para sa COVID-19 cases. (JOEL O. AMONGO)
