5 TIKLO POT SESSION SA QUEZON

QUEZON – Arestado ng lima katao nang matiyempuhan ng mga awtoridad habang nagsasagawa ng pot session sa isang bahay sa Brgy. Zone II, sa bayan ng Atimonan sa lalawigang ito, noong Sabado ng hapon.

Ayon sa Atimonan Police, isa sa mga suspek ang nakumpiskahan pa ng hindi lisensyadong baril.

Kinilala ang mga suspek na sina Rommel Yarte, Sir Joseph Villaruel, Emmerson Alvarez, Benjamin Calayo, at Zeus Nierva.

Nakumpiska sa mga suspek ang 5 pakete ng umano’y shabu na 14 gramo ang timbang at tinatayang P95,200 ang halaga.

Napag-alaman, hahainan lang sana ng search warrant si Yarte sa kasong illegal drugs subalit nagkataong nasa lugar ang apat pang mga suspek at nagsasagawa ng pot session kaya inaresto rin ang mga ito. (NILOU DEL CARMEN)

200

Related posts

Leave a Comment