50% NG WORKING PINOY KUMPORTABLENG MAGBALIK-TRABAHO

TINATAYANG nasa kalahati ng kabuuang bilang ng mga Pilipinong nagtatrabaho ang nagsasabing kumportable silang bumalik sa kanilang work place sakaling alisin na ang ipinatutupad na pandemic lockdown bunsod ng coronavirus, ayon sa pag-aaral ng Social Weather Station o SWS.

Base sa inilabas na resulta ng pag-aaral ng SWS nitong Biyernes, may 1,550 kataong nasa legal age ang sumailalim sa kanilang survey noong Hulyo 3 hanggang Hulyo 6, 2020 at  47 percent nito ay
may trabaho habang 53 porsyento naman ay hindi nagtatrabaho o hindi pa nakaranas na mamasukan.

Sa hanay ng 55 bahagdan na may trabaho, ang nagsabing  kumportable ang kanilang pakiramdam kaugnay sa pagbabalik nila sa kani-kanilang pinagtatrabahuhan sakaling alisin na ang ipinatutupad na community quarantine sa susunod na buwan gaya ng kanilang ginagawa bago pa magkaroon ng pandemya, ayon sa SWS.

Nakapagtala ang Mindanao ng 64 percent, sinundan ng Luzon na may 55 percent habang pinakamababa ang Visayas na umabot sa 50 percent at Metro Manila, na siyang sentro ng
coronavirus outbreak, 45 percent ang nagsabing kumportable na silang bumalik sa trabaho. (JESSE KABEL)

196

Related posts

Leave a Comment