6.7 KILO NG MARIJUANA NASAMSAM NG PNP, PDEA

UMABOT sa 6.7 kilo ng pinatuyong dahon ng marijuana ang nasamsam ng mga operatiba ng Philippine National Police at Philippine Drug Enforcement Agency sa magkahiwalay na operasyon sa mga lalawigan ng Antipolo at Bulacan.

Ayon sa ulat, isang drug suspect ang nahulihan ng 1.7 kilo ng dried marijuana leaves na nagkakahalaga ng P212,500 batay sa pagtaya ng Dangerous Drugs Board (DDB), sa ikinasang buy-bust operations ng PNP Drug Enforcement Group (PDEG) sa Antipolo City.

Kinilala ni PDEG Director, P/BGen. Randy Peralta ang naaresto na si Jheremy Manakil Javier alyas “David”, residente ng Brgy. Mambugan sa naturang lungsod.

Agad dinala sa PDEG Special Operations Unit 4A ang suspek at sasampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002

Samantala, 5 kilo ng tuyong dahon ng marijuana ang nasabat sa Bulacan na nagkakahalaga ng P600,000, sa inilunsad na buy-bust operation ng mga ahente ng PDEA Bulacan Provincial Office.

Batay sa report ng PDEA Bulacan Provincial Officer kay PDEA Director General Wilkins Villanueva, naaresto sa anti-narcotics operation ang isang John Gabriel Gayo y Timbal, 27, ng Brgy. Sto. Niño 1, CSJDM, Bulacan.

Nabatid na si Gayo ay pinaniniwalaang isa sa mga pangunahing namamahagi o suplayer ng marijuana sa San Jose Del Monte at kalapit na mga bayan ng Bulacan. (JESSE KABEL)

209

Related posts

Leave a Comment