6 buwang fetus sa tiyan lumabas BUNTIS NA NURSE PATAY SA KAMBAL NA TRAHEDYA

KALUNOS-LUNOS ang sinapit ng buntis na Nurse makaraang mabangga ng dalawang pribadong sasakyan habang tumatawid sa pedestrian lane, Linggo ng gabi sa Bago City, Negros Occidental.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame ni OIC Bago PNP, PLt. Col. Ariel Pico, dakong alas-09:15 ng gabi habang tumatawid ang biktimang si ‘Maria’ sa pedestrian lane ay nabangga ito ng Toyota Avanza na minamaneho ni Philip Jansen Cantiller, 30-anyos.

Sa lakas ng pagkabangga ay tumilapon ang biktima sa kabilang direksyon at nasagasaan ulit ng Toyota Yaris na minamaneho naman ni Salvador Castro, 59-anyos dahilan upang lumabas ang anim na buwan na ipinagbubuntis nito.

Nagawa pang maisugod sa Bago City Hospital ang biktima subalit idineklarang dead on arrival.

Napag-alaman na papasok sana ang biktima sa Valladolid District Hospital para mag-duty nang mangyari ang insidente.

Samantala, nasa custodial facility ng Bago PNP sina Cantiller at Castro habang inaalam pa ang kasong isasampa laban sa kanila.

(TOTO NABAJA)

62

Related posts

Leave a Comment