CAVITE – Patong-patong na kaso ang kinahaharap ng isang lalaki makaraang walang pahintulot na pumasok sa isang birthday party at nanutok ng baril sa mga bisita sa Imus City noong Linggo ng hapon.
Nahaharap sa kasong alarm and scandal, grave threat, paglabag sa RA 10591 at BP 881 (Omnibus Election Code) ang suspek na si alyas “Ronald”.
Ayon sa reklamo ni “Carmilo”, may-ari ng bahay sa Buhay na Tubig, Imus City, Cavite, nagkakasayahan sila dahil birthday ng isa nitong kamag-anak bandang alas-4:30 ng hapon, nang biglang pumasok ang lasing na suspek at tinutukan ang biktima at kanyang mga kamag-anak gamit ang isang improvised shotgun.
Agad namang humingi ng tulong sa mga awtoridad ang kanyang mga kaanak na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek na nakumpiskahan ng isang shotgun na may bala.
(SIGFRED ADSUARA)
