6-COCK SABONG ON AIR DERBY, AARANGKADA SA SANTA ROSA MEGA COCKPIT SA HUWEBES!

SABONG ON AIR Ni KA REX CAYANONG

KAGAYA ng ibang negosyo, ang pag-aalaga ng manok na panabong ay nangangailangan ng masu­sing pangangasiwa.

Siyempre, unang-una na riyan ang ang sipag at tiyaga.

Sabi nga lagi ng mga batikang breeders, upang maging matagumpay sa pag-aalaga ng manok ay kailangang sunding mabuti ang mga tips ng mga eksperto.

Simula sa pagka-sisiw hanggang sa paglaki at pagpapa-kondisyon ay may sinusunod.

Ang bentahan ng manok ay depende sa klase at lahi ng manok.

Sinasabing upang maging mahusay sa pakikipag­laban ang mga manok na panabong, dapat nariyan ang conditioning vitamins at iba pa.

Matutulungan sila nito sa pag-develop ng kanilang katawan na gagamitin nila sa kanilang fighting skills.

Ganyan ang mga naging gabay ng inyong lingkod dahilan upang magkampeon sa “King Arthur 6-Cock Derby” na binitiwan sa ruweda ng Riper Sports Santa Rosa Mega Cockpit sa Laguna nitong Huwebes.

Taglay ang entry name na “Sabong On Air”, nakapagtala kami ng apat na panalo at dalawang tabla.

Bunga nito, naitala namin ang kabuuang limang puntos para mag Co-champion sa event.

Hindi umubra sa aming mga warriors ang mga katunggaling kinabibilangan ng “Villa Elena 789 Super Reyna,” “Tiger Shark” ni Celso Salazar, “June 18 4-Cock Tuy Cockpit”, at “SMC” na pag-aari ni Tady Palma.

Sa nasabing pa-derby ni Art Atayde, nakatabla ng “Sabong On Air” ang entries ng “Gen X Fighter” at “JJA-DVH.”

Kung maaalala, nasa apat na korona na ang na­sungkit ng inyong lingkod ngayong taon.

Nagsimula ito noong Marso 21, 2022 nang tanghaling solo champion ang “Sabong On Air” sa “WPC Battle of the Big Boys” sa Manila Arena sa Sta. Ana, Maynila.

Nakipagsanib-puwersa kami kay Richard Perez kaya’t itinanghal na kampeon sa “Riper/Sabong On Air” entry sa “JP Dragon 6- Cock Derby” na binitawan sa New Antipolo Coliseum sa Antipolo City, Rizal noong Mayo 15.

Wala pang dalawang linggo, nagkampeon muli ang combined entry namin ni Perez na “Riper/Sabong On Air” sa “Hagibiz 4-cock Derby” sa Riper Sports Santa Rosa Mega Cockpit.

Sa darating na June 16 (Huwebes), may pa-derby na naman po ang inyong abang lingkod.

Aarangkada ang “6-Cock Sabong On Air Derby” sa Riper Sports Mega Cockpit kung saan nasa P110,000 ang pot money habang ang minimum bet naman ay P55,000.

Abangan n’yo po ‘yan.

Kita-kits, mga ka-Sabong!

299

Related posts

Leave a Comment