6 KATAO KALABOSO SA BARIL, P100K SHABU

ARESTADO ang anim katao nang makumpiskahan ng mahigit P100,000 halaga ng umano’y shabu sa magkahiwalay na anti-drug operations sa Valenzuela City.

Dakong 4:30 ng madaling araw kahapon nang dakpin ng mga awtoridad sina Jonathan Awud, 34; Ronie Diaz, 34, at Richard Rivera 24, pawang ng Barangay Mapulang Lupa, ng lungsod matapos makuhanan ng 10 gramo ng umano’y shabu na P68,000 ang halaga, P500 buy-bust money, P300 cash, kalibre .38 na kargado ng dalawang bala, coin purse, belt bag at isang Nokia keypad phone.

Ibinalibag naman sa detention cell ng Valenzuela City Police ang mga suspek na sina Angelito Maglalang, 56, tricycle driver; Ryan Dela Rama, 30, at Jojie Dampios, 26, matapos makumpiskahan ng 10 gramo ng shabu na P64,000 ang halaga at P400 cash sa operasyon dakong alas-5:45 ng madaling araw.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 habang may karagdagang kasong pagsuway sa Comprehensive Law on Firearms and Ammunition ang tatlong nakumpiskahan ng baril. (ALAIN AJERO)

130

Related posts

Leave a Comment