KELOT KINATAY NG KATAGAY

patay

TINANGHAL na bangkay ang isang lalaki matapos na araruhin ng saksak ng kainuman noong Biyernes ng gabi Navotas City.

Nalagutan ng hininga habang isinusugod sa Navotas City Hospital sanhi ng mga saksak sa katawan ang biktimang si Melvin Gariando, 57, ng Oliveros Dike, Brgy. Tangos North, ng lungsod, habang ibinalibag naman sa selda ang suspek na si Rogelio Jimenez, 60, ng F. Cruz, Brgy. Tangos North.

Ayon sa ulat, bandang alas-7:45 ng gabi, tumotoma ang dalawa sa Badeo 5, Oliveros Dike, Tangos North, nang magtalo dahil sa kalasingan, hanggang sa nagbunot ng patalim si Jimenez at inundayan ng saksak si Gariando saka mabilis na tumakas.

Isinugod sa ospital ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival.

Isang alyas “Jonas” na nakakita sa insidente ang nagsumbong sa mga tanod ng Brgy. San Roque, na humingi ng tulong sa Navotas Police na agad nadakip ang suspek sa follow-up operation. (ALAIN AJERO)

136

Related posts

Leave a Comment