60 MILYONG PINOY BOBOTO SA MAYO 9

TINATAYANG 60 milyong Pilipino ang magtutungo sa mga presinto upang bumoto sa May 9, 2022 national elections.

Sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, sinabi ni DILG Secretary Eduardo Año na ngayon pa lang ay nakikita na nila kung paano dinaragsa ang mga campaign rally.

Kaya masasabi umano niyang napakalaking hamon sa gobyerno ang paglabas ng milyon-milyong botante sa itinakdang oras upang sila’y makaboto.

Titiyakin naman aniya nila na masusunod ang minimum public health standards at protocol sa araw ng eleksyon.

Samantala, iniulat din ni Ano sa Talk to the People ang pag-akyat ng porsiyento ng mga lumabag sa health protocols tulad ng hindi pagsusuot ng face mask na pumalo sa 196% gayundin ang mga lumabag sa pag-oobserba ng physical distancing na nasa 201% ang itinaas sa datos. (CHRISTIAN DALE)

140

Related posts

Leave a Comment