6pm-5am curfew mananatili NCR PLUS IBINABA SA MECQ HANGGANG ABRIL 30

INAPRUBAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang rekomendasyon ng Inter-AgencyTask Force (IATF) na isailalim na sa modified enhanced community quarantine (MECQ) ang National Capital Region (NCR), Bulacan, Rizal, Laguna at Cavite simula ngayong Lunes (Abril 12) hanggang Abril 30, 2021.

Isinailalim din sa MECQ ang City of Santiago, Quirino at Abra.

Mapapasailalim naman sa general community quarantine mula abril 12 hanggang Abril 300, 2021 ang : CAR, Region 2: Cagayan, Isabela at Nueva Vizcaya, Region 4A: Batangas

Region 8: Tacloban City, Region 10: Iligan City, Region 11: Davao City, BARMM: Lanao del Sur at Quezon.

Ang natitirang bahagi naman ng bansa ay isinailalim na modified general community quarantine (MGCQ).

Samantala, mananatili ang unified curfew hours na mula alas-6 ng gabi hanggang alas-5 ng umaga sa ilalim ng MECQ.

“On curfew, while mayors and governors have not yet agreed on modified hours, it remains as is. Consultations already on-going and a decision may be made soon,” ayon kay Sec. Roque. (CHRISTIAN DALE)

147

Related posts

Leave a Comment