PITONG Chinese nationals ang hinuli ng pinagsanib na pwersa ng Philippine National Police at Department of Environment and Natural Resources dahil sa umano’y ilegal na pagmimina sa Libona, Bukidnon.
Ayon sa ulat, ginawa ang pag-aresto matapos matuklasan ang malaking underground tunnel na ginagamit sa pagkuha ng mineral, pati na rin ang mga heavy equipment gaya ng dump trucks, backhoes, malalaking generator set, at processing plants.
Nakuha rin ng mga awtoridad ang commercial explosives na walang permit, at copper ore.
Ayon kay PNP chief, Police General Jose Melencio Nartatez, Jr., nananatiling committed ang pulisya sa pagprotekta sa mga komunidad at likas na yaman, at tiniyak na pananagutin ang mga lumalabag sa batas.
(JESSE RUIZ)
3
