7 pa sugatan sa pagsalakay ng militar 4 PATAY SA KUTA NG DAULAH ISLAMIYA

APAT na miyembro ng Daulah Islamiyah-Hassan Group (DI-HG) ang napatay habang hindi bababa sa pito ang sugatan nang salakayin ng Joint Task Force Central sa ilalim ng Western Mindanao Command, ang kuta ng mga teroristang Daulah Islamiya na sinasabing nagsisilbi ring bomb factory ng DI-HG sa Maguindanao.

Ayon kay Lt. Gen. Corleto Vinluan, Jr., commander ng WESTMINCOM, anim na malalakas na improvised explosive device ang nasamsan ng Joint Task Force Central matapos na makubkob ang pinagkukutaan ng mga terorista sa Barangay Saniag, Ampatuan, Maguindanao noong Huwebes ng madaling araw.

Nabatid na ginamitan ng air and artillery assets ng WESTMINCOM ang itinuturong kuta ng Daulah Islamiya bago pinasok ng ground troops.

“Ground troops were also deployed to conduct focused military operations to foil the terror plots of the said group,” ani Lt. Gen. Vinluan, Jr.

Kasunod nito, bandang alas-10:30 ng umaga, nadiskubre ng 1st Scout Ranger Battalion ang tatlong bagong abandonadong pinagkukublihan ng mga kalaban na may foxholes, na sakop din ng nabangit na barangay.

Ayon kay Lt. Col. Raymond Rapi, commanding Officer ng 1SRB, ang kuta ay pinaniniwalaang advance post ng mga kalaban, at improvised explosive device (IED)-making area, na iniwan lamang sa kasagsagan ng air and artillery raid ng military sa area.

“Our operating troops recovered three IEDs, IED components, one analog cellular phone, and personal belongings in the area,” ani Lt. Col. Rapi.

Habang nagsasagawa ng clearing operation ay muli nilang nakasagupa ang hindi pa mabilang na dami ng DI-HG, na pinamumunuan ni Salahuddin Hassan alyas “Abu Saif/Orak/Abu Salman,” sa nasabi ring barangay bandang alas-1:20 ng umaga.

Tumagal ng ilang minuto ang bakbakan na nagresulta sa pagkamatay ng isang kalaban at pagkasugat ng isang pa na kinilalang si alyas “Wari/Watrix” at iba pa.

Ayon kay Brig. Gen. Roy Galido, commander ng 601st Infantry Brigade, kinailangang humingi sila ng dagdag na puwersa para maglagay blockade at magpatuloy ang pagtrugis.

Bandang alas-12:29 ng hapon sa nasabi ring lugar, isa pang sagupaan ang nangyari sa pagitan ng militar at teroristang grupo sa Barangay Salman ng nasabi ring bayan na nauwi sa kamatayan ng tatlo pang kasapi ng DI-HG.

“We will continue to bolster our offensives to pound down the fleeing enemies and penetrate their strongholds,” ani Maj. Gen. Juvymax Uy, commander ng Joint Task Force Central. (JESSE KABEL)

156

Related posts

Leave a Comment