7 tanggapan ng BOC ISO CERTIFIED NA

SA layuning mapagbuti ang pagtugon sa mandato, naipasa ng pitong tanggapan ng Bureau of Customs (BOC) ang mahigpit na panuntunan para masungkit ang inaasam na ISO 9001:2015 Quality Management System (ISO QMS) Certification bilang patunay ng mas pinahusay na serbisyo.

Sa isang pahayag, sinabi ng BOC na patuloy pa nilang pag-iibayuhin ang serbisyo, kasabay ng modernisasyon ng mga pasilidad sa iba’t ibang panig ng bansa sa hangaring makasabay sa larangan ng kalakalan sa iba pang panig ng daigdig.

Kabilang sa mga tanggapan ng kawanihang nakasungkit ng ISO Certification ang Port of Batangas para sa kanilang pinalawak na Customer Care Center.

Pasok din sa talaan ng mga nakalusot sa ISO Certi­fication ang mga Puerto ng Maynila, Clark at Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Hindi naman nagpaiwan ang Subports ng Mactan at Duma­guete sa prestihiyosong patunay ng kalidad na serbisyo at kalakalan.

150

Related posts

Leave a Comment