711 LUGAR LUBOG PA RIN SA BAHA

UMABOT sa 711 lugar sa Luzon ang kasalukuyang lubog pa rin sa baha dahil sa epekto ng sunod-sunod na pag-ulan dulot ng Southwest Monsoon o Habagat at mga nagdaang bagyo.

Ayon sa situational report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at Office of Civil Defense (OCD), nasa 6,328 barangay ang naapektuhan ng mga pag-ulan, habang 711 lugar ang nananatiling binabaha.

Ayon kay NDRRMC representative Diego Agustin Mariano, saklaw ng datos ang mga insidenteng naitala mula Agosto 1 hanggang Agosto 2, 2026.

Naitala ang 711 lugar na kasalukuyang binabaha sa Region I, Region III, National Capital Region (NCR) at CALABARZON.

Patuloy ang monitoring at response operations ng OCD, katuwang ang iba pang ahensya ng pamahalaan, upang tugunan ang epekto ng mga pag-ulan at pangangailangan ng mga apektadong komunidad.

Samantala, umakyat na sa 39 ang kumpirmadong nasawi batay sa update ng NDRRMC at OCD. Hindi pa kabilang dito ang 13 iba pang nasawi na patuloy pang bineberipika, bukod pa sa mga naiulat na nawawala.

(JESSE RUIZ)

48

Related posts

Leave a Comment