8 ‘MAKUKUPAD’ NA CHIEF OF POLICE SA METRO MANILA SINIBAK

SINIBAK ni PNP chief, General Nicolas Torre III ang walong chief of police sa Metro Manila makaraang mabigong ipatupad ang 5-minute response time.

Sinabi ng hepe ng Pambansang Pulisya, hindi nasunod ng mga opisyal ang kanyang direktiba matapos tumawag ang mga nangangailangan ng tulong.

Ayon kay PNP spokesperson, Brig. Gen. Jean Fajardo, ang mga sinibak na chief of police ay mula sa mga lungsod ng Navotas, Caloocan, Valenzuela, Mandaluyong, Marikina, San Juan at Parañaque.

Posibleng may susunod pa na masisibak sa pwesto, hindi lang sa Metro Manila kundi maging sa mga probinsiya.

Noong Linggo ay bumisita sa Central Visayas si Torre kung saan ay may idedeklarang puwesto ng Provincial Director na ibabakante.

(TOTO NABAJA)

19

Related posts

Leave a Comment