8 minors nasagip 4 ARESTADO SA PROSTITUSYON

LAGUNA – Arestado sa ikinasang operasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) sa bayan ng Pansol ang apat kataong pinaniniwalaang mga miyembro ng isang sindikatong nagbebenta ng mga menor de edad sa mga turistang banyaga.

Kasabay ng pagkakadakip sa mga suspek na kinilalang sina Emman Delgado, Clarence Mane, Angela de Gala at Michelle Saturno, nasagip naman ng mga operatiba ang 10 kababaihan – kabilang ang walong menor de edad.

Kasong paglabag sa Republic Act 9208 (Anti-Trafficking in Persons Act) ang nakatakdang isampa ng NBI – Laguna District Office sa arestadong mga suspek.

Sa paunang imbestigasyon ng NBI, lumalabas na lantarang inilalako sa halagang P10,000 ng mga suspek ang mga biktima sa mga turistang dumarayo sa resort facilities sa Pansol.

Kwento ng isang biktima, malaking bahagi ng sinisingil na halaga ang napupunta sa nagbugaw sa kanila.

Kabilang sa mga nasagip ng mga operatiba ang mga babaeng may edad 15, 16 at 17-anyos na mga dalagitang mula pa sa mga karatig bayang sakop ng lalawigan ng Laguna. (CYRILL QUILO)

218

Related posts

Leave a Comment