84 PORSYENTO NG MGA TAKOT MAGPABAKUNA, DUDA SA COVID-19 VACCINE

ITO ang lumabas sa pag-aaral ng Pulse Asia kasunod ng ginawang pagkuha sa dahilan ng mga tao kung bakit natatakot sila o iiwasan na magpabakuna.

Nabatid na halos kalahati ng populasyon o 47 percent ng mga Pilipino ang nagsasabi na hindi sila magpapabakuna laban sa COVID-19, ayon sa Pulse Asia Survey.

Nang hingan ng dahilan ang nasabing bilang ng Pinoy na ayaw magpabakuna ay lumalabas na natatakot sila sa posibleng epekto ng vaccine at kung ligtas ba ito sa kalusugan ng tao.

Sa pag-aaral, lumalabas na 47 percent ng mga Pilipino ang nagsasabing hindi sila magpapabakuna.

Base sa tugon ng 2,400 adults surveyed, tanging 32 percent ang nagsabing magpapabakuna sila habang 21 bahagdan naman ang nagsabing hindi pa nila alam o wala pa silang desisyon.

Base sa prevailing opinion na nakalap ng Pulse Asia, sa Visayas (55 percent), kasunod ang Mindanao (48 percent), Balance Luzon (46 percent), habang sa Metro Manila ay 41 percent.

Sa mga nangangamba sa uri o epekto ng bakuna, pinakamalaki ang naitala sa Metro Manila na nasa 89 percent, sumunod ang Visayas 88 percent, Balance Luzon 84 percent, at Mindanao na nasa 79 percent.

May limang porsyento rin ang nagsasabing hindi kailangan ang vaccination para labanan ang COVID-19, habang ang 7 percent ay nangangamba na hindi ito libre at 4 percent ang natatakot na baka mahal ito.

Ang survey ay ginanap nuong Nov. 23 to Dec. 2, 2020.

Dahil dito, lumilitaw na kailangan magsikap pa ang pamahalaan sa kanilang vaccination campaigns, turuan ang mamamayan at imulat sa kahalagahan at ligtas na bakuna sa kanilang kalusugan. (JESSE KABEL)

139

Related posts

Leave a Comment