9 FRONTLINERS SA VALENZUELA, COVID-19 POSITIVE

PUMALO na sa 31 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 positive sa Valenzuela City makaraang sampu pang kaso ng naturang sakit ang nadagdag, kabilang ang siyam na frontliners.

Ito’y ayon sa pinakahuling monitoring ng Valenzuela City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) noong Lunes, Abril 6.

Si patient VC22 ay 27-anyos na babae; si VC23 ay 39-anyos na babae; VC24, 30-anyos na babae; VC25, 37-anyos na lalaki; VC26, 32-anyos na lalaki; VC27, 31-anyos na babae; VC28, 35-anyos na babae; VC29, 31-anyos na babae; VC30, 83-anyos na lalaki, at si VC31, ay 43-anyos na babae.

Ang mga bagong pasyente, bukod kay VC30, ay pawang frontliners na nagtatrabaho sa mga ospital ng DOH at isinailalim sa isolation matapos ma-expose sa COVID-19 patients.

Bago ito, tatlo na ang namatay sa COVID-19 sa lungsod, habang umakyat na sa 31 ang kaso ng nasabing sakit, ayon sa monitoring report noong Abril 4, 2020.

Masusi namang mino-monitor ng Valenzuela CESU ang lahat ng kaso at nagsasagawa ng contact tracing para matukoy ang mga naging close contacts ng mga pasyente. (FRANCIS SORIANO)

 

319

Related posts

Leave a Comment