9 HULI SA JUETENG SA ANTIPOLO

ARESTADO ang siyam na katao sa pinaigting na operasyon laban sa ilegal na sugal sa Barangay Bagong Nayon, Antipolo City noong Abril 9.

Pinangunahan ni Rizal Police Provincial Office Director PCol. Eleazar Barber ang operasyon na nagresulta sa pagkakadakip ng mga rebisador, kabo at kolektor ng jueteng.

Kabilang sa mga naaresto ang tatlong rebisador, dalawang kabo, at iba pang kasabwat na pawang residente ng Rizal.

Nasamsam sa mga suspek ang mga gamit sa sugal tulad ng cellphone, calculator, notebook, lastillas at iba pang betting paraphernalia, pati ₱5,315 na taya.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 at Republic Act 9287.

Kasalukuyang nakapiit ang mga ito sa custodial facility ng Antipolo police habang inihahanda ang pagsasampa ng kaso.

(NEP CASTILLO)

92

Related posts

Leave a Comment