9 KATAO NASABUGAN NG LPG

RIZAL – Umabot sa siyam katao ang sugatan makaraang masabugan ng tangke ng LPG sa kanilang bahay sa lalawigang ito, noong Sabado.

Kinilala ang mga sugatan na sina Elizabeth Garcia, Francis Caberte, Anacita Garcia, Vergie Martinez, Melanie Abais, Josephine Samarita, Jamie San Pascual, Marinel Abardanido at Riza Pangan, pawang mga residente sa #9 Amado St., Brgy. Burgos, Rodriguez, Rizal.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng Rodriguez Municipal Police, bandang alas-6:30 ng umaga nang maamoy ng mga biktima ang tumatagas na tangke ng LPG.

Agad nilang inalis sa kalan at inilabas sa bahay ang nasabing tangke ngunit kumuha ng panibagong tangke at ikinabit sa kalan.

Nang sindihan ay agad itong nagliyab at sumabog sa loob ng bahay.

Mabilis namang itinakbo sa iba’t ibang ospital ang mga sugatan upang malapatan ng lunas. (CYRILL QUILO)

226

Related posts

Leave a Comment