90K COVID-19 test kada araw ‘di natupad IATF, DOH NAMBOLA LANG

BINANATAN ng isang senador ang Department of Health (DOH) at ang Inter-Agency Task Force (IATF) hinggil sa hindi pagtupad sa 90,000 coronavirus disease-2019 9COVID-19) test kada araw.

Ayon kay Senadora Ana Theresia “Risa” Hontiveros, umabot lang sa 42,866 ang COVID-19 test kada araw nitong Mayo.

Noong Marso 30, tiniyak ng testing czar ng IATF na si Secretary Vivencio “Vince” Dizon na target ng administrasyong Duterte na magsagawa ng 90,000 COVID-19 test bawat araw.

Bukod sa kapalpakang ito ng IATF, hindi rin nakamit ng DOH ang limang porsiyentong positivity rate na itinakda ng World Health Organization (WHO).

Batay sa talaan ng DOH, pumapalo sa 11.7% ang positivity rate ng Pilipinas na napakalayo sa itinakda ng WHO.

“Nakakahiya na sa taumbayan. Alam naman ng IATF ang bilang ng tests na dapat magawa, pero bakit hindi nila tinototoo? Kung nagkaroon sila ng isang salita, naagapan sana ang matinding pagtaas ngayon ng mga kaso ng COVID sa ating mga probinsya,” banggit ng bagitong senador.

Kitang-kita ring sumasahol ang kalagayan ng mga kaso ng COVID-19 sa mga lalawigan, makaraang unti-unting ‘napapahupa’ ang problema ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR) at mga katabi nitong lalawigan tulad ng Rizal, Laguna, Cavite at Bulacan.

“We need a national mass testing system that would prevent us from drifting so far away from our own goals. Testing ang unang-unang makakatulong para maampat ang transmission ng coronavirus. Kapag maayos ang testing system, maiaangat rin ang iba pang hakbang, tulad ng trace, isolate, at syempre, vaccinate,” susog ng mambabatas. (NELSON S. BADILLA)

132

Related posts

Leave a Comment