NAKAPAGTALA ng 93% recoveries o katumbas ng 82,182 na gumaling mula sa COVID-19 ang Quezon City.
Ayon sa QC Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CESU), nasa 4,406 ang kumpirmadong active cases mula sa 87,630 na kabuuang bilang ng mga nagpositibo sa lungsod.
Dumaraan sa validation ng CESU, health center staff at mga opisyal ng barangay ang datos na mula sa Department of Health (DOH) para masigurong ang mga pasyente ay mga residente ng Quezon City.
Ayon pa sa kanila, maaaring magbago pa ang bilang ng mga kaso sa lungsod dahil sa isinasagawang community-based testing.
Sa pinakahuling data na nakuha ng SAKSI NGAYON mula sa QC COVID-19 update, as of May 9, 2021, 8:00 am, may total number validated (by QCESU and Health District Offices) na 87,630; at suspected COVID-19 cases (among contact traced) na 294,478.
Ang aktibo ay 4,406, ang gumaling o recoveries ay 82,186 at ang namatay (deaths) ay 1,038 (1.2%).
Bagama’t bumababa na ang kaso ng COVID-19 sa Quezon City, nananatili pa ring ito ang nangunguna sa may pinakamataas na naitatalang mga kaso kada araw sa mga siyudad sa buong bansa. (JOEL O. AMONGO)
