TINANGGAP ng Manila Water Co. Inc. ang pagbibitiw sa pwesto ni Geodino V. Carpio bilang chief operating officer. Si Carpio ay nagsilbi sa kompanya sa nakalipas na 22 taon.
Hindi naman sinabi ng Manila Water kung bakit umalis sa kompanya si Carpio, epektibo ngayong Abril 16.
Laging bukas sa publiko si COO Carpio kung saan ang pinakahuli ay ang pagpapaliwanag nito sa kawalan ng supply ng tubig sa mga customers sa loob ng halos 10 araw.
Papalitan ni Abelardo P. Basilio ang posisyon na babakantehin ni Carpio bilang acting COO ng Manila Water Operations.
Isang civil engineer, nagsimula si Basilio sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) at hepe ng technical services group ng Manila Water, ang business operations ng East Zone concession and corporate regulatory affairs.
206