POBRENG PASYENTE PANALO SA UNIVERSAL HEALTH CARE ACT

(Ni BERNARD TAGUINOD)

Mababawasan na ang dagdag na suliranin ng mga mayroong sakit na mga ordinaryong mamamayan, lalo na sa bayarin sa mga ospital kapag maging batas na ang Universal Health Care Bill.

Anumang araw ay inaasahang aaprubahan na ng dalawang Kapulungan ng Kongreso ang nasabing panukala matapos ipasa ito sa Bicameral Conference Committee ng Kongreso.

Pagkatapos nito, lagda na lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte para maging ganap na batas ang panukalang Universal Health Act.

Ayon kay House assistance majority leader Bernadette Herrera-Dy, hindi na kakabahan ang mga mahihirap na mabaon sa utang sa ospital kung sakaling maipasok sila sa ospital dahil sa nasabing ligal na patakaran.

“The no balance billing policy is perhaps the most significant policy feature of the bill because this enables the poor to avail of universal health care,” saad ni Herrera-Dy na nangakong agad na ipasasalang sa ratipikasyon ang nasabing panukala.

Base sa panukala, lahat ng mga miyembro ng Philhealth na walang kakayahang magbayad ng premium ay isa-subsidized ng gobyerno ang kanilang mga gastusin sa ospital.

Makikinabang din ang mga middle class dahil babalangkas ang Philhealth kung paano nila mapapakinabagan ang bagong batas.

“PhilHealth now has the legal basis to provide the needed services for mothers, working women, and even elderly women. Registries of all women, children, LGBT, and men will be maintained so that the database will help PhilHealth design those population-based packages for which everyone can qualify,” patuloy ng mambabatas.

291

Related posts

Leave a Comment