MATAPOS magsara ng isang linggo nitong Holy Week para sa regular na maintenance shutdown, balik-operasyon na ang MRT-3.
Dahil dito, inaasahan na ang maayos na pagtakbo ng 17 tren gayundin ang mga bahagi ng riles at ang sistema ng MRT-3 sa kabuuan, ayon sa Department of Transportation.
Halos kalahating milyong mananakay ang inaasahan araw-araw sa tren at umarangkada na ang 17 tren bandang alas-7:00 ng umaga na dumarating kada anim at kalahating minuto.
Bago matapos ang Abril ay nakatakda naman ang rehabilitasyon ng MRT na popondohan ng Japan International Cooperation Agency (JICA).
Kapag natapos ang rehabilitasyon ay tatakbo na ito ng 60kph at darating sa bawat istasyon tuwing tatlo at kalahating minuto, ayon kay Kiyo Kawabuchi, JICA Senior Representative for the Philippine Office.
135