NAHARANG ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC)-Port of Subic ang misdeclared agricultural products sa nasabing port kamakailan.
Ayon sa natanggap na mapagkakatiwalaang impormasyon, ang Port of Subic ay nag-isyu ng walong Pre-Lodgment Control Orders sa dalawang (2) Alert Orders laban sa labinlimang (15) 40-footer container van shipments na naglalaman ng lobster balls at frozen Surimi crab.
Subalit sa isinagawang 100% physical examination, ang nasabing inalertong shipments ay natuklasang naglalaman ng iba’t ibang uri ng mga gulay (potatoes, carrots, broccoli).
Ang nasabat na misdeclared agricultural products ay naging pakay ng seizure and forfeiture proceedings dahil sa paglabag sa Section 1113 na may kaugnayan sa Section 117 ng CMTA at DA A.O. No. 09 Series of 2010, at DA A.O. No. 18 Series of 2000.
Ang records ng subject importation ay ipinasa sa Bureau Action Teams Against Smuggling para sa kaukulang case build-up at para makasuhan ang mga personalidad na responsable sa naturang tangkang smuggling na natuklasan.
Dahil dito, pinapurihan ni Commissioner Bienvenido Y. Rubio ang kalalakihan at kababaihan ng Port of Subic sa pag-iingat sa hangganan ng bansa laban sa pagpasok ng posibleng nakalalasong agricultural products.
Inihayag din niya na napapanahon ang pagkakadiskubre sa nabigong tangkang smuggling, ng ilang containers ng potentially hazardous agricultural products na ipapasok sana sa bansa, na makapipinsala sa kalusugan at kaligtasan ng publiko.
Ang BOC-Port of Subic sa ilalim ng pamumuno ni Acting District Collector Ciriaco Ugay, ay nananatili sa kanilang walang humpay na pangako sa mahigpit na implementasyon ng mga patakaran ng customs at kaalyadong mga batas, at mga regulasyon para sa mabilis na paglalabas ng imported goods nang naaayon sa batas.
(BOY ANACTA)
164