FLU VACCINATION DRIVE NG BOC-ILOILO TAGUMPAY

KABILANG sa makabuluhang hakbang patungo sa prayoridad na mga programa ni Commissioner Bienvenido Y. Rubio upang maiangat ang kapakanan ng mga empleyado, ang Bureau of Customs (BOC) – Port Iloilo ay nakipag-partner sa Bo. Obrero – Lapuz Health Center para sa pagpapatupad ng flu vaccinations drive.

Ang nasabing hakbang ay isinagawa sa Iloilo Custom House noong Ene­ro 12, 2024 na dinaluhan ng mga empleyado ng BOC – Port of Iloilo.

Layunin ng aktibidad na pangalagaan ang kalusugan at kagalingan ng mga emple­yado ng BOC.

Ang nasabing pagtutulungan ay isang oportunidad para sa mga empleyado ng BOC-Iloilo at kanilang mga pamilya, stakeholders, at partner agencies na makatanggap ng libreng flu vaccines.

Ang inisyatibang ito ay sumasalamin sa pangako ng bureau sa pagpapalaki ng malusog na kapaligiran sa trabaho at pagsuporta sa pangkalahatang kagali­ngan ng workforce nito.

Ang trabaho ng mga empleyado ng Bureau of Customs (BOC) ay nagpapatuloy kahit na noong kasagsagan ng pananalasa ng COVID 19 pandemic.

Sila ang naging pangunahing partner ng Department of Health (DOH) para hindi maantala ang pagpasok sa bansa ng mga bakuna na kailangan para mapigilan ang patuloy na paglaganap ng COVID 19.

(BOY ANACTA)

155

Related posts

Leave a Comment