Sa kahusayan at dedikasyon TOP 20 IMPORTERS, BOC-NAIA OFFICES KINILALA

KINILALA ng Bureau of Customs Ninoy Aquino International Airport ang kahusayan at dedikasyon ng top 20 importers at BOC-NAIA Offices.

Pinangunahan ni District Collector Yasmin O. Mapa ang pagkilala sa top 20 importers sa taong 2023, sa kanilang mahalagang kontribusyon, lalo sa nagtatagal na pagsasama sa nasabing port.

“To our Top Importers in 2023, you carried us through a challenging year that enabled us to surpass our annual target. This is a shared success, because without all of you today, this would not have been possible. Kaya maraming salamat po sa inyong patuloy na suporta sa mga adhikain ng ahensya,” ani District Collector Mapa sa kanyang mensahe ng pagpapahalaga sa awardees.

Kabilang sa mga binigyan ng pagkilala ang Samsung Electronics Philippines na ginawaran ng parangal bilang top importer for CY 2023, nakapag-ambag ng kabuuang P2.739 billion, kasunod ng Globe Telecom Inc., Louis Vuitton (Phils) Inc., Smart Communications Inc., International Specialty Concepts, at maraming iba pa.

Hindi rin kinalimutan ni District Collector Mapa ang mahirap na trabaho ng lahat ng BOC-NAIA offices na nakapag-ambag ng tagumpay ng port, binigyang-diin ang kanilang mahahalagang mga papel sa pagsusulong ng paglago at pagpapaunlad.

Habang ang bansa ay kumikilos patungo sa paglago ng ekonomiya, ang BOC-NAIA ay nananatili bilang gateway ng international travelers at air cargo importers.

(JOEL O. AMONGO)

205

Related posts

Leave a Comment