NAE-ENTERTAIN ANG MGA TAO

DPA ni BERNARD TAGUINOD

NAE-ENTERTAIN ang mga tao sa bangayan ng mga politiko dahil sa Charter change (Cha-cha) at inaabangan na lang nila kung magkakaroon ng pisikal na komprontasyon kapag na-convene na ang dalawang kapulungan sa Constituent Assembly.

Noong 2016, naging worldwide news ang suntukan ng mga mambabatas sa Turkey sa loob ng kanilang session hall dahil sa hindi pagkakasundo ng opposition at administration lawmakers.

Noong 2017, halos ‘di rin maawat ang magkatunggaling mga politiko sa parliament ng South Africa, at mas malupit sa Kosovo noong 2015 dahil ang oposisyon ay nagpasabog ng tear gas at gumamit ng pepper spray ang mga pikong oposisyon.

Nauwi rin sa suntukan ang mainit na debate para sa kanilang bagong konstitusyon ang mga mambabatas sa Nepal noong 2015, habang sa Ukraine noong 2015 ay nairekord ang aktuwal na suntukan ng dalawang mambabatas na hindi magkasundo sa pinagdedebatehang “corruption bill”.

Halos ‘di rin maawat ang suntukan ng dalawang grupo ng mga mambabatas sa Japan noong 2015, at maging sa India. Sa Taiwan ay nagkaroon na rin ng gulo sa kanilang session hall dahil sa magkaibang posisyon ng mga politiko sa pinagdedebatehang isang panukala.

Hindi pa nangyayari ‘yan sa Pilipinas kaya abangan kung magkakaroon ito ng katuparan kapag nag-convene ang dalawang kapulungan sa ConAss para amyendahan ang economic provisions sa 1987 Constitution at makapasok ang mga dayuhang negosyante sa bansa na hindi na kailangang magkaroon ng partner na Pinoy, at pwede nang magmay-ari ng 60 percent sa negosyong kanilang ipapasok.

Sa ngayon ay insultuhan pa lamang ang nakikita at naririnig naman sa pagitan ng mga senador at congressman dahil sa Cha-Cha, kaya nae-entertain ang mga tao at lagi silang nag-aabang kung sino ang mag-iinsultuhan.

Hindi mo naman maiwasan ‘yan dahil kapag Cha-cha ang pinag-uusapan, emosyonal ang mga tao dahil ang daming bagay na kanilang kinatatakutan kapag sinimulang galawin ang bibliya ng Pinoy.

Unang mangangamba dyan ang mga senador dahil sa isang iglap ay maaaring mabuwag ang kanilang institusyon at gawing unicameral ang sistema ng lehislasyon sa bansa upang lahat ng mga panukala sa Kamara ay hindi na daraan sa mga senador.

Depende kasi sa trip ng mga senador kung anong panukalang batas ang kanilang ipapasa kaya nasasayang ang lahat ng trabaho ng mga congressman. Sangkatutak na panukala ang ipinapasa sa Kamara pero walang kasiguraduhan na magiging batas kung hindi trip ng mga senador, kaya siguro ubos na ang pasensya ng karamihan sa mga congressman sa mga senador.

Isa sa mga kinatatakutan din ng mga tao ay baka hindi na mawala ang mga politiko sa kanilang kapangyarihan dahil sa mga usap-usapan na gusto ng mga congressman na i-extend ang kanilang termino.

Ang ang kinatatakutan ng mga militanteng grupo ay mawawalan ng pagkakataon ang mga Pinoy na magkaroon ng sariling lupa kapag nabigyan ng pagkakataon ang mga dayuhan na magmay-ari ng lupa sa Pinas. Ngayon pa nga lang, namamakyaw na ang mga Singkit sa lupa eh sa pamamagitan ng dummy.

303

Related posts

Leave a Comment