EJK INVESTIGATION NG KAMARA MAY BASBAS NG BBM ADMIN

SUPORTADO ng administrasyong Marcos Jr. ang imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso kaugnay sa extra judicial killings (EJK) noong kasagsagan ng war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Dalawang taon pagkatapos bumaba sa kapangyarihan si Duterte, sinimulan ng House committee on human rights ang imbestigasyon na dinaluhan ng mga kaanak ng mga biktima ng EJK o pinatay ng mga riding in tandem, human rights advocate group, at ni dating Justice Secretary at ngayo’y Solicitor General Menardo Guevarra.

Pinuri ni Guevarra ang Kamara dahil sa wakas aniya ay nagsagawa na ang legislative branch ng imbestigasyon sa pang-aabuso sa panahon ng war on drugs ng administrasyon ni Duterte para maigawad ang katarungan sa EJK victims.

“As solicitor general Mr. Chair, I wish to express my support because finally, finally the legislative branch has done something, has done its share to investigate these alleged abuses during the war on drugs. Even though in my opinion this comes belatedly it is never too late in the interest of justice,” ayon sa dating Justice secretary ni Duterte.

Iginiit ng opisyal na inirekomenda nito sa kasalukuyang administrasyon ang pagbuo ng fact finding committee para imbestigahan ang pag-abuso sa war on drugs subalit sa ngayon ay kumikilos na aniya ang lahat ng mga ahensya ng gobyerno para panagutin ang mga umabuso sa kanilang kapangyarihan.

“Ako naniniwala ako na delayed justice, is justice. Injustice is a crime. Yan ang aking paniniwala dito,” ayon naman kay Abante kaya kahit kahit 8 taon na ang nakaraan nang simulan ang war on drugs sa bansa ay kailangan aniya itong gawin upang mabigyan ng katarungan ang mga biktima at matigil na ang paglabag sa karapatan pantao.

Sa nasabing imbestigasyon, sinabi ni Atty. Neri Colmenares ng National Union of People Lawyer (NUPL) na hindi iginalang ng nakaraang administrasyon ang karapatang pantao nang ilunsad ng mga ito ang war on drugs dahil ang mga pinatay, hindi lamang sa EJK kundi sa mga police operation ay mga pinaghihinalaan pa lamang na sangkot sa ilegal na droga. (BERNARD TAGUINOD)

132

Related posts

Leave a Comment