Kung ikaw ay nagbabalak na magpakabit ng cable TV o dili kaya ay internet iwasan ninyo itong SkyCable dahil iba ang ginagawa nito sa kanilang mga customers.
Noong nag-aalok pa ng serbisyo itong SkyCable ay halos ipangako nito ang langit upang ikaw ay mag-subscribe. Kung anu-anong mga dagdag na serbisyo at discount ang inialok nito kaya naman madali tayong naengganyo na gamitin ang kanilang serbisyo.
Ngunit habang nagtatagal ay lalo ring nagiging iba ang serbisyo nitong SkyCable. Madalas ay wala kang mapanood sa kanilang Cable TV dahil sira at lalung-lalong wala kang masagap na internet connection dahil kung hindi ito mabagal ay talagang wala kang makuhang koneksyon.
Okay lang naman sana dahil normal lang naman na magkaroon ng mga tinatawag na maintenance itong mga ganitong uri ng serbisyo. Maiintindihan sana ito kung isang oras or kahit kalahating araw lang na mawawala ang kanilang serbisyo ngunit aba naman, isang linggo na eh wala pa rin tayong makuhang pagbabago sa kanilang serbisyo.
At heto pa ang mas problema, kahit halos oras-oras mong ireport ang iyong problema ay wala kang makukuhang aksyon mula sa kanila. Pagkaraan ng napakaraming tanong tungkol sa problema ng kanilang koneksyon ay sasabihan kang magpapadala sila ng teknisiyan ngunit mamumuti na ang mata mo ay ni anino nito ay walang darating.
Ganito ang sistema nitong SkyCable at ang masakit ay tila wala namang proteksyon ang kagaya natin na consumer. Ang ending ay puro sama ng loob na lang ang dulot ng mga ito bagama’t kapag minsan ay hinihiling mo na pasukin sila ng mga terorista para sila ay pasabugin.
Siguro ay napapanahon na upang lalo pang higpitan ng pamahalaan ang mga patakaran nito sa mga service-related businesses. Kinakailangang magtakda ng mataas ng multa ang pamahalaan kapag hindi naibibigay ng mga kompanyang gaya ng SkyCable ang tamang serbisyo para sa kanilang mga customer. (BAGWIS)
287