MABUTI ANG KOMPETISYON PARA SA MGA KONSYUMER

THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO

LAMAN ng balita nitong nakaraang linggo ang interes ng malalaking kumpanya sa isinasagawang bidding ng Meralco.

Pinaghahandaan na kasi ng kumpanya ang kakailanganing suplay simula sa susunod na taon, kaya naman para masigurong mababa ang magiging presyo, kailangang sumailalim ito sa tinatawag na Competitive Selection Process (CSP).

Siguradong matindi ang kompetisyon dahil malalaking pangalan sa industriya ng enerhiya ang maglalaban-laban. Pinangalanan ng Meralco ang mga nagpahayag ng interest — ang Masinloc Power at Sual Power ng San Miguel, GNPower ng Aboitiz, First Gas at First Natgas ng Lopezes, at ang FDC Misamis ng mga Gotianun.

Maglalaban-laban ang mga kumpanya para sa kontrata para sa 400 megawatts (MW) na suplay at ang mag-aalok ng pinakamurang singil ang mananalo.

Kung titingnan ang isa pang CSP na ginawa ng Meralco nitong nakaraang linggo, talagang makikitang nakabuti ang kompetisyon at ang prosesong ito dahil maganda ang naging resulta nito.

Napatunayan ng CSP na ito ay talagang epektibo dahil nakakuha ang Meralco ng mababang alok noong Bid Opening para sa 600MW na suplay.

Pinakamababa ang naging alok ng Masinloc Power na nasa Php5.60 per kWh para sa 500MW na suplay at GN Power Dinginin na nasa Php5.7392 per kWh para sa natitirang 100MW.

Napakababa ng mga bid na ito kumpara sa nakatalagang reserve price para sa bidding.

Malinaw sa naging resulta ng CSP na makakabuti ito sa mga konsyumer. Ipinapakita nito ang benepisyo ng transparent na proseso ng bidding at ang pagiging epektibo nito bilang mekanismo para sa pag-secure ng kinakailangang suplay ng kuryente sa paraang pinaka paborable para sa mga konsumer—isang proseso na inuuna ang pagiging abot-kaya at pagkakaroon ng sapat na suplay.

Ang bidding ay bukas sa mga tagamasid, kabilang ang mga grupong pangkonsumer, at naka-stream online kaya talaga namang walang maitatago o pandarayang mangyayari dito.

Nakakamit ng CSP ang layunin ng Meralco na makuha ang pinakamababang presyo ng suplay para sa mga konsyumer.

At mahalaga rin ang tuluy-tuloy na pagpapatupad nito para masigurong handa na ang suplay bago pa man ito kailanganin. Sa ganitong paraan, walang pangamba ng kakulangan ng suplay o pagsipa ng presyo ng kuryente dahil napaghandaan na ito.

Kailangan din siguruhin ng Energy Regulatory Commission (ERC) na maaksyunan agad ang mga kontratang naging resulta ng mga bidding para hindi na magkaroon ng pagkaantala pa.

Ang napapanahong mag-apruba ng regulator ay makasisiguro na makikibang ang mga konsyumer sa mga isinasagawang bidding.

 

189

Related posts

Leave a Comment