PANELO: PERA, PANANAKOT GUMAGANA VS DUTERTE

(CHRISTIAN DALE)

“THE political enemies and detractors of FPRRD will not stop at throwing the kitchen sink at him by using coercion and money to compel persons to testify falsely against him.”

Wika ito ng chief legal counsel ni former president Rodrigo ‘Digong” Roa Duterte na si Atty. Salvador Panelo patungkol sa bagong rebelasyon ng resource person ng quad committee sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

“These political scoundrels will not succeed. The Filipino people can see through their evil intentions,” aniya pa rin.

Kasabay nito, pinabulaanan ni Panelo ang alegasyon ni dating police colonel Royina Garma, na iniutos di umano ng dating Pangulo ang pag-aalok ng reward para sa drug war killings ng kanyang administrasyon sa bansa.

Binanggit din ni Panelo ang ilang puntos na kumukuwestiyon sa katotohanan ng akusasyon ni Garma.

Tinanong ni Panelo si Garma kung paano niya nalaman ang operasyon ng ‘war on drugs’ kung hindi niya inaamin na naging bahagi siya nito, isang operator, o isang executioner ng drug war model ng Davao, na ayon kay Garma ay inspirasyon ng malawakang drug war campaign.

“Garma claims she declined being part of the alleged intended replication of the ‘Davao model,’ if that is so, she could not have any knowledge of the Davao model plan—assuming there was one—if it was pursued or operated,” ang sinabi ni Panelo.

Kapansin-pansin aniya na ang kaalaman ni Garma ay “hearsay” lamang lahat, lalo pa’t ang impormasyon na mayroon ito ay ipinarating lamang sa kanya ng kanyang sources, at siya ay “absolutely no personal knowledge.”

“What is evident is that Garma may have succumbed to threat or intimidation under pain of incarceration if she did not make the allegations contained in her affidavit,” ang sinabi ni Panelo.

Sa pagdinig ng House quad committee noong Biyernes, Oktubre 11, sinabi ni Garma na kinontak siya ni Duterte noong Mayo 2016 upang lumikha ng national task force para sa giyera kontra ilegal na droga, na kapareho umano ng “Davao Model.”

Ayon kay Garma, ang “Davao Model” umano ay tumutukoy sa sistemang may kinalaman sa “payment” at “rewards” kung saan may tatlo raw itong antas.

Sinabi naman ni Panelo na tanging political enemies ni Digong Duterte ang nasa likod ng ‘false allegations’ laban dito.

276

Related posts

Leave a Comment