GOBYERNO MAGTATAYO NG NAVAL BASE SA MISAMIS OR

PLANO ng gobyerno na magtayo ng naval base sa Misamis Oriental.

Sinabi ni Defense Secretary Gilbert Teodoro na ang panukalang naval base ay aakto bilang base ng Philippine Naval Operations sa Mindanao at magiging tahanan ng 15th Strike Wing ng Philippine Air Force (PAF).

“May runway na tayo, secure ang runway at pinalalakihan na rin ang rampa para ganon may bagsakan ng goods at services. Yung naval base na proposed, magiging logistics center din. Yung mga heavy goods na kinakailangan for military purposes or for humanitarian assistance or disaster response na di kaya ng air, doon idadaong,” ayon kay Teodoro.

“Matagal na plano ito. Pinatutupad lang natin, pinabibilisan lang natin… It makes sense na nung nilisan ito, tinake over ng Philippine Air Force; make use of it. It is even closer than Laguindingan [airport] to Cagayan de Oro and other major centers,” dagdag na wika ng Kalihim.

Target naman ng mga kinauukulang ahensiya na tapusin ito sa 2026 at umaasa ng suporta mula sa Kongreso.

“Kailangan ng suporta ng local government at Kongreso kasi pagka nagawa na ito, kailangan namin ng budget para patakbuhin ito. Hindi lang yung budget na pagtayo, kailangan din ng gastos para i-maintain at gamitin ng tama kasi sayang din ang magandang facility kung di natin gagastusan ng maintenance,” ang sinabi pa rin ni Teodoro. (CHRISTIAN DALE)

33

Related posts

Leave a Comment