SIKLISTA, PUTOL KANANG KAMAY SA KARAMBOLA NG SASAKYAN

CAVITE – Putol ang kanang kamay ng isang siklista nang maipit sa insidente ng karambola ng limang sasakyan makaraang mawalan ng preno ang isang pampasaherong baby bus sa bayan ng Noveleta sa lalawigan nitong Martes ng umaga.

Unang isinugod sa St. Martin Hospital sa Noveleta, Cavite subalit inilipat sa Orthopedic Hospital ang biktimang si Gerard Giron, 25, ng Brgy. Ligtong 1, Rosario, Cavite.

Kabilang sa mga nasira ang tricycle na minamaneho ni Nicolas Baja Jr., 62; minamanehong tricycle ni Ronnie Regino, 35; at Saint Anthony Transport Bus na may plakang NAO 977B, na minamaneho ni Roy Ibañez, 52-anyos.

Habang ang driver ng baby bus na kinilalang si Felizardo Zabal Ibiaz Jr., 61, ay nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in serious physical injury and multiple damage to property.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, bandang alas-8:30 kahapon ng umaga nang mangyari ang insidente sa Brgy. Magdiwang, Noveleta, Cavite habang minamaneho ni Ibiaz ang isang pampasaherong baby bus patungo sa direksyon ng Kawit.

Habang minamaneho ni Ibiaz ang pampasaherong baby bus nang umano’y mawalan ng kontrol sa preno dahilan upang mabangga nito ang minamaneho ni Ibanez na isang pampasaherong bus at naipit naman ang minamanehong bisikleta ni Giron na nagresulta sa pagkaputol ng kanang kamay nito.

Nabangga rin ng naturang baby bus ang dalawang tricycle na nakaparada lamang sa lugar. (SIGFRED ADSUARA)

481

Related posts

Leave a Comment