KINASTIGO ng Supreme Court ang isang hukom dahil umano sa pagkaantala ng kaso ni dating Senator Leila de Lima.
Sa inilabas na resolusyon ng high tribunal, pinagalitan nito si Muntinlupa City Regional Trial Court (RTC) Branch 256 Presiding Judge Romeo Buenaventura na napatunayang guilty sa simpleng misconduct constituting violation of the new code of judicial conduct.
Inatasan din ng SC ang hukom na magmulta ng halagang P18,000.
Bukod dito, napatunayang guilty rin si Judge Buenaventura sa simpleng pagpapabaya sa tungkulin sa pagganap o hindi pagganap ng mga opisyal na tungkulin. Pinagmulta rin siya ng isa pang P18,000.
Nakasaad din sa resolusyon na mahigpit na binabalaan ang respondent na si Romeo S. Buenaventura na ang pag-uulit ng parehong pagkakasala o ang paggawa ng katulad na aksyon ay dapat harapin nang mas mahigpit. (JULIET PACOT)
3